About me ♥
Archives ♥
Links ♥
Tagboard ♥
The Layout ♥
Credits ♥
|
Friday, October 31, 2003
... Dugtungan..::
Kagabi'y nasimulan ko nang ikuwento ang mga nangyari sa akin noong ako'y nagtungo sa bukid. Durugtungan ko siya ngayon.. :)
Natapos ata ang aking kwento sa aking muntik na pagkahimatay sa may palayan.. Mainit kasi.... SOBRA! At nakakapagod. Naubusan ata ako ng likido (?) sa katawan. Buti na lang at dinala ko ang aking coleman. Pero yun nga.. Bumalik na kami doon sa may pinagiwanan namin ng aming mga gamit. Dumaan ulit kami sa may pilapil at..... Bigla akong natalisod/ nahulog... Basta nahulog ako sa may putikan.. At napasigaw ako ng "P***ng**a" nang malakas... At ang nakakatawa pa dito ay nauuna sa aming maglakad sina Bb. Wada at sumusunod naman si G. J. Castro... Grabe! :) Hehehehe :) Buti na lang at isang sapatos lang ang naputikan... Haaay.. Sa wakas! .. Nakarating na rin kami sa aming paroroonan.. Hindi ko maipaliwanag ang sayang aking nadama nung nakarating na kami doon... Grabe! Kaya nga nung pagdating namin ay umupo na ako kaagad, nagtanggal ng sapatos, naglinis ng kamay, nilabas ang aking baong pananghalian at.... KUMAIN... Sobrang sarap umupo at magpahinga sa lilim... Haaay..... Pagkatapos kong kumain ng pananghalian ay kumain na naman ako ng tsokolate at Lays.. Hehehe.. Ang takaw noh? Ang dami ko atang nakain eh.. Pero kain pa rin ng kain. Medyo asar ko nga kasi pinipilit kong kumuha/ humingi yung mga kaklase ko at katabi ng Lays para maubos na siya. Gusto ko kasing mabawasan yung mga dala ko. Ang bigat kasi ng aking bag. Mahirap maglakad nang malayuan. Pagkatapos kong kumain ay naupo lang ako.. Medyo nakipagkwentuhan sa mga kaklase ko. Nakinig din ako sa pagkanta nila Ben, Minette, at Kat... Ang astig nila..... :D Pagkalipas siguro ng isang oras ay bumalik na si Ka Daning at sinabing maggigiik na kami ng palay. Kaso 12 ata ang gagawa noong bawat klase. Matatagalan ata pag kaming lahat ang maggigiik eh.. Pero yun. Naiwan ako... Hehehe.. At dahil naiwan ako ay ginamit ko ang pagkakataong iyon para... MATULOG. Hahaha! Sabi nga nila Ben at Monique na matagal yung pagtulog ko eh. Pagal na pagal na kasi ako....... Mga alas 2 na ata ng hapon nang bumalik ang iba kong mga kamag aral na naggiik.. Hinintay din naming magsimula ang panghuling bahagi ng aming 'farm visit'.. Yun yung maikling pagbahagi at repleksyon ng aming mga kamag aral, guro, at pati na rin ng mga manggagawang bukid.
Habang ako'y nakikinig sa kanilang mga pagbabahagi, aking natanto ang mga sumusunod:
Sa kabuuan, naniniwala akong ang aming pagpunta sa bukid ay naging makabuluhan. Mas naging mulat kami bilang mga mamamayan ukol sa isyung panlipunan. Naranasan nga namin ang ginagawa ng mga magsasaka araw araw.. At talagang mahirap yaon!... Dahil doon nagkaroon ako ng kakaiba't bagong pagrespeto sa kanila.... Basta yun.. Mapapahaba pa to nang lalo pag dinugtungan ko pa.. :) Basta masaya ang farm visit! The best talaga! :) Nakarating pala kami sa Miriam College nang mga alas 7 ng gabi.. Nanood din kami ng Meteor Garden pauwi.. Sobrang kilig!!! AAAAHHHH! Gwapo ni Lei. Sana ako na lang si Shan Cai... Haaaay.. :) At dumaan pala kami sa Petron (Expressway)... Masarap ang Coke......Pamatid uhaw talaga! :) Umuwi rin pala akong nakasuot ng shorts. Hehehe.. Malayo nga yung nilakad namin pabalik eh. Mukha daw akong 'scarecrow' ayong kay Ben kapag nakasuot ako ng sombrero at may hawak na palay. Wala lang! *Bangag* Hehehehehe.. Alas 12 na kasi ng umaga eh.. :) Nag 'trick or treat' din pala ang aking mga pinsan at kapatid kanina... Alalay ako.. Hehehehe.. Sayang nga at di nanalo si Kirsten ng 'Cutest Costume' pero naniniwala akong siya ang mas karapat dapat na manalo nun.. (Biased..) Hehehehe :) Astig din ang Survivor kanina.. WOOHOO! :) The best.. Tsk tsk.. Hehehehe :) Dapat panoorin ng lahat ng tao. Gwapo ni Andrew at Ryan O.. Teehee :p
|