About me ♥

Andoi. Mga Ibong Mandaragit (nerd...), duckies, yellow, sleeping, babies, spontaneity, choco flakes, clouds, Sex and the City, chicken, chocomallows, chocopie, the SG, The Apprentice, sleepy music, toddlers, cookies, brisk walking, my family, smiling, UP, Christian Bautista, CSI, The Practice, singing, American Idol, confessions of Georgia Nicholson, ochouno, snogging (hahahaha!), bumming around, being a Filipino (Yes naman!).....

YM:
aerdna_12
email: aerdna_12@yahoo.com

Archives ♥

  08/03. 09/03. 10/03. 11/03. 12/03. 01/04. 02/04. 03/04. 04/04. 05/04. 06/04. 07/04. 08/04. 09/04. 10/04. 11/04. 12/04. 01/05. 02/05. 03/05. 04/05. 05/05. 06/05. 07/05. 08/05. 09/05. 10/05. 11/05. 12/05. 01/06. 02/06. 03/06. 04/06. 05/06. 06/06. 07/06. 09/06. 10/06. 11/06. 12/06. 04/07. 06/07.

Links ♥

Miox. Jollibee. Ck. Mellow. Lesley. Tania. Patrod Tanya. Aika. Kriselda. Migs. Sir BongB. April. Bernice. Loreen. Dominique. Maricris. Keavy. ochouno. Vigile. Ginger.

Tagboard ♥


The Layout ♥

This layout features the main characters from the film Little Manhattan 'Tis about first love and stuff. Go figure. :D

Credits ♥

Layout by camilllle
Made with MS Notepad, and Adobe Photoshop CS2
Powered by Blogger

© 2006 Nerdox Designs

Thursday, October 30, 2003

Oreos.. yumyum.. :)::
posted by Andoi @ 10:38 PM

Aking isasalaysay ang aking karanasan sa bukirin ng Barangay Dakila, Malolos, Bulacan...

Nagsimula ang lahat noong alas 4 y medya ng umaga, ika 29 ng Oktubre 2003. Nagising ako mula sa aking maikling paghimbing.. Pagkatapos, ako'y kumain, at naghanda para sa inaantabayanan kong pagpunta sa bukid.. Nang pagkatapos kong magbihis (ako'y nakasuot ng lumang maong, at puting kamiseta..), naghintay ako para magising ang aking natutulog na ama.. Medyo natagalan bago siya magising (mga malapit ng mag alas 6) kaya kinabahan ako. Baka kasi maiwan ako ng bus eh.. Sa kabutihang palad ay nagising na ang aking ama. Naligo siya, nagbihis at nagsimula na kaming pumunta sa aking paaralan.. (Kasama ko pala ang aking kapatid na si Mioks.)

Dumating ako sa Miriam College nang mga alas 6 y medya.. At pagkadating ko ay sumakay na ako kaagad sa aming bus. Konti pa lang ang tao kaya't nakapili ako ng aming upuan ng aking kaparehang si Ben.. Pagkatapos nun ay bumaba ako, nagtungo sa banyo, umihi at bumalik ulit sa bus.. Dumating si Ben bago mag alas 7.. Medyo kumain pa ako, nakipagtsismisan at nagpakuha ng litrato bago umalis.. Hehehehe :) Ang saya! ... Noong nandun na ang lahat ay nagsimula ng umandar ang bus... Habang kami'y paalis ay nagdasal kami ng rosaryo sa pamumuno si Ck.. Hindi nga ako nakinig eh.. *bad..tsk tsk* kasi inaantok ako.. Hehe........ Nag'lakbay' siguro kami nang mga humigit kumulang dalawang oras.... Kumain na naman kami ni Ben ng masarap na pagkain.. Heheheh.. Pinahiran din namin ang aming mga sarili ng 'sunblock' para hindi umitim.. At sa wakas, nakarating na rin kami sa aming pupuntahan - ang Barangay Dakila sa Malolos, Bulacan.. (Nakakita pala kami ni Ben ng isang malaking poster ni Marc Nelson.. Grabe.....) Pagdating namin ay medyo nagkagulo ang aking mga kamag aral. May paalala kasi ang aming guro ukol sa mga donasyong aming dala.. Iiwan daw namin sa may bus dahil kukunin ng mga magsasaka. May mga di nakarinig sa likod.. Ang iba nama'y naguluhan.. Yung mga kaharap ko ay di malaman ang gagawin kasi may mga dala silang mabigat kaya gusto nilang iwan. Pero kung iiwanan ba nila ito ay kukunin din ba ito ng mga magsasaka dahil akala nila'y donasyon din ang mga ito? (Labo?) Basta yun. Magulo.. :) (Iniwan ko pala ang aking dinalang kanin para sa mga magsasaka.. Pati yung ibang pagkaing inihanda ng aming klase para sa kanila..)

Pag baba namin ng bus ay napansin ng nakararami sa amin na mainit.. Sobrang init.. (Pero sila Paola, Bogs, at Be ay balot na balot pa rin.. Hehehe.. Ayaw kasing umitim.. Promotions.. :p) Hehehehe.. Pero yun.. Kahit na mainit ang panahon ay pinaglakad pa rin kami nang napakalayo... SOBRANG LAYO!!! Grabeng layo.. As in... Parang namanhid na nga yung aking mga braso (May bitbit akong coleman at plastic..) ... At yung mga tuhod ko... Pati likod... Parang nabali na... Grabe.. Pagkatapos siguro ng ilang minutong paglalakad sa ilalim ng matinding init ng araw ay..... NAKARATING NA RIN KAMI.. *Alleluia!* Haaay salamat!

Sa aming pagdating ay tinanggap kami ni Ka Daning, ang sekretarya ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.. Hinintay muna naming makarating lahat ng mag aaral mula sa walong pangkat bago simulan ang maikling programa.. Ang programang iyon ay isa lamang pagpapaliwanag sa mga gagawin namin sa araw na iyon.. Sa umaga'y maggagapas kami ng palay.. Pagkatapos ay kami'y magtatanghalian nang sabay sabay.. Salu salo kung baga.. Tapos, ang palay na aming ginapas ay igigiik (thresing).. At magkakaroon ng maikling repleksyon at pagdarasal pagkatapos ng aming mga gawain.. Ipinakilala rin ang mga magsasakang aming makakasama.. Sina Ka Ruping at Ka Oniang lamang ang aking naaalala.....

Pagkatapos ng maikling orietasyon ay nagtungo na kami sa palayan ni Ka Oniang.. Haay.. Habang kami'y patungo roon ay dumaan kami sa makikitid na daan na ang tawag ay pilapil.. May isa ngang bahagi na puro langgam.. Grabe! Umabot ata hanggang sa hita ko yung langgam na yun eh.. Kinagat ako.. At makati! .. Kaya binilisan namin ng aking mga kaklase ang pagkalad para makaiwas sa mga pulang langgam.. Pagkaraan ng aming pagtakbo at pagmamadali ay naabot na rin namin yung dapat naming puntahan.. Binigyan kami ng aming kasamang magbubukid (di ko kasi nakuha yung pangalan eh..) ng mga liklik (?) at tinuruan kaming maggapas... Nung una'y medyo ayaw ko pa kasi natatakot ako na kinakabahan.. Pero napasabak na rin ako.. Hehehehe.. Masaya pala siya.. Hehehe.. Hindi ko nga alam kung ilang 'bundles' ang naggapas ko.. Ramdam na ramdam ko kasi ang pagiging magsasaka kuno. Hehehehe :) Pero dahil dun nasobrahan ata ako na sumakit yung likod ko at nahilo ako.. Sobra kasing init ng araw, at nakasuot ako ng long sleeves. Tapos nun mga isang oras kaming nagagapas ng palay. Nanilim na nga yung paningin ko eh. Buti na lang may tubig akong dala at nandun si Tania at Ben kundi malamang mahihimatay ako sa gitna ng palayan.. *buntong hininga..*

Hanggang dito na lang muna ang aking kwento.. Medyo napahaba siya.. :) Hanggang sa susunod na pagkakataon.. :p

*Lilipat na pala kami ng bahay sa ika 8 ng Nobyembre..* YEY! :p

@