About me ♥
Archives ♥
Links ♥
Tagboard ♥
The Layout ♥
Credits ♥
|
Monday, January 19, 2004
I'm seeing Yellow::
WAHAHA! Wala kaming pasok ngayon pero ang dami kong gagawin.. Haaay.. :) Hindi pa nga ako nag aaral para sa aming pagsusulit bukas sa Filipino at THE eh. Ack! Hindi pa rin pala ako nakakahanap ng patalastas na may mga logical fallacies.. Parang wala ring epekto yung walang pasok. Hehehehehe :)
Pumunta pala ako nung nakaraang Sabado sa Family Congress. Ok lang naman. *Masayang mag ehersisyo!* Naabutan na lang namin nina Cox at Mellow yung ikalawang bahagi ng programa kasi galing kaming Ateneo para sa PEM. Ang saya nung bago naming tinalakay sa PEM. Heehee. :) Naintindihan ko! At ang bait ng aming guro. Heehee.. Cox.. :D Mayroon nga daw kaming paligsahan sa ika 7 ng Pebrero eh. Baka lumiban ako. Hahahaha! Mahirap na naman yun malamang :) Bininyagan na rin pala nung Linggo yung aking pinakamamahal kong pinsang si Mikhail Dominic. Ang cute niya!!!! Heehee. Siyempre kamukha ko yun eh. :p Mag aaral pa pala ko.. Hehehe. At maliligo. Labo. :) Di pa ko naliligo eh. HAHAHAHAHAH! Bangag.
|