About me ♥
Archives ♥
Links ♥
Tagboard ♥
The Layout ♥
Credits ♥
|
Friday, January 02, 2004
Only three days left! Ack!::
Haaay.. Wala akong magawa sa bahay. Sa totoo mayroon naman pero hindi ko lang ata alam kung ano yun. Eh basta yun na yun. Nakakabato na dito... Sobrang kain lang ako nang kain pati tulog nang tulog lalo na ngayon (nagsimula ang aking katakawan noon ika 31 ng Disyembre 2003). Hehehehe :) Kaya nga gusto ko nang pumasok kasi maraming stress factors na ikapapayat ko... Heehee :p
Natulog pala kami kagabi ng aking mga kapatid sa bahay ng pinsan ko. Wala kasi sila eh. Pumunta silang Nueva Ecija pagkatapos sa Pangasinan.. Haaay... Pinanood ko na naman yung Lord of the Rings: The Two Towers. Di ko na ata mabilang kung ilang beses ko na yun napanood pero kahit na ilang beses ko na siyang napanood, nawiwili pa rin ako. Ang ganda kasi.... Hindi na nga ako makapaghintay para sa Return of the King eh. Nung nakita ko yung trailer niya sa sinehan, gusto kong umiyak kasi ang GANDA!!! Hehehehe :) Basta yun. La talaga kong masabi.. Heehee :) At saka nanood ako nung Pasko ng Captain Barbell. HAHAHA! Jologs eh :) Pero ok siya... Joke time.. Heehee :) Bangag...
|