About me ♥
Archives ♥
Links ♥
Tagboard ♥
The Layout ♥
Credits ♥
Tuesday, March 23, 2004
Graduate na ko! ::
Hmm.. CONGRATULATIONS TO ALL MY BATCHMATES! Graduates na tayo! :) Haaay.. Ang sarap ng pakiramdam pero nakakalungkot din siyempre. Tapos na itong kalbaryo natin. Panibagong pagsubok na naman ang kakaharapin. Salamat sa lahat ng mga taong tumulong upang maabot ko 'tong tugatog ng pag-aaral sa mataas na paaralan.
Salamat sa 1-2 ('00-'01).. La kong masabi. Olats natin nung speechfest :) Haha! Diba Bogs? Cla? Maisa? :) Salamat sa 2-3 ('01-'02) sa pagbibigay sa akin ng walang kupas na kasiyahan at pagkakaibigan. Mahal ko kayong lahat :) Salamat din kay Mrs. Delfin at Sir Aris. Ang swerte ko't naging homeroom at homeroom partner ko kayo. Maalaga, mabuti't mapagmahal. :)
At salamat sa OchoUno ('02-'04).. Haaay..
Sa susunod na lang muna yung iba. Medyo tinamad ako. Hehehe :) Basta mahal ko kayong lahat. :) Ang hayskul ay di magiging hayskul kung wala kayo...
Friday, March 19, 2004
Um..::
Biyernes ngayon. Isang araw na lang at magsisipagtapos na kami ng aking mga kamag-aral. Haaay.. :) Pero bago kami grumaduate ay ikukuwento ko muna yaong mga nangyari sa akin noong nakaraang mga araw.
Miyerkules ika 17 ng Marso
Ang mga mag-aaral ng ikaapat na taon ay nagtungo sa Malacañang Palace at Enchanted Kingdom para sa aming field trip. Sa Malacañang ay natagpuan namin ang marangyang tirahan ng Pangulo. Ang daming malalaking mga bulwagan at maningning na aranya (Di ko sigurado ko yan nga yung katumbas ng chandelier sa Filipino)... Ang dami rin palang mga malikhaing larawan. :) Basta maganda yung Malacañang. Ngunit nagpag-isip-isip ko rin pagkatapos kung paano namumuhay nang ganito ang ating Presidente habang ang Pilipinas ay lubusang naghihirap?...
Pagkatapos ng aming pagbisita sa Malacañang ay pumunta kami sa Enchanted Kingdom sa Laguna. Mataas ang araw nung dumating kami kaya naman sobrang init... Pagpasok (?) namin sa EK ay sumakay kami sa iba't ibang rides. Hehehe :) Ang nakakatuwa pa ay sumama sa amin si Sir Belardo nung sumakay kami sa Rollerskater, Space Shuttle (di ako sumama dito), at iba pa. Hehehe. Aliw :) Pagkatapos ng aming pagliliwaliw sa EK ay talaga namang basang-basa ako. Apat na beses kasing sumakay sa Rio Grande. Grabe.. Bakit yung ibang tao di nababasa? Kainis... Sa kabuuan ay nasiyahan naman ako sa aming field trip. :) Ito marahil ang pinakamasaya at pinakagusto kong field trip sa aking apat na taon sa mataas na paaralan.
Huwebes ika 18 ng Marso Ang aga ng pasok namin. Haay.. Malamang alam niyo na kung ano yung ginawa namin.. Nag-ensayo kami para sa aming pagtatapos sa Linggo. Nakakatamad na at nakakapagod. *buntong-hininga* Buti na lang nung hapon ay nanood kami ng isang pelikula(?) tungkol sa mag-asawang Pen at Eddie at ang kanilang pakikipagsapalaran sa buhay. Talaga namang nakakaantig ng puso ang kanilang kwento. Biruin mo nakatira sa tabi ng riles ng tren at kailanganin nilang buhayin ang kanilang limang anak (ang tatlo'y kanilang inampon). Si Mang Eddie ay nagtitinda lamang ng balot at si Aling Pen nama'y nagtatrabaho bilang labandera. Kumikita sila nang kakaunting halaga na kung tutuusin ay kulang na kulang para matustusan ang kanilang pangangailang sa araw-araw. Naisip ko tuloy kung paano tayong mas pinalad ay lumulustay ng pera ng ating mga magulang. Iisipin mo rin kung gaano ka walang hiya ang ating mga lider na patuloy na nagnanakaw sa sambayanang Pilipino habang ang ating mga kababayan ay nanalig at naniniwala sa kanila. Haaay... Sana ay magsilbing inspirasyon at hamon ang palabas na iyon sa aming magsisipagtapos na tumulong baguhin ang sistemang bulok ng ating bansa. Biyernes ika 19 ng Marso Ngayon toh. Haha! Nag-ensayo ako ng pagtugtog ng piyano kanina. Ang pangit ng tugtog ko. Nakakainis. Dapat pang mag practice sa bahay! :) At nag bond (medyo) din pala kami ng kapatid kong si Ming (Teddy..) Nakita ko pala yung mga nagsipagtapos na mga mag-aaral ng elementarya. Meron silang damit na pang graduation na di gala. Daya. Di sila masyadong nainitan. Hehehehe. Babaw :)
Tuesday, March 16, 2004
Practice makes perfect.. daw!::
Hehehe :p It's not Thursday today. Wala lang! Pero nag blog ako. Haha! Ang labo! Anyway, I participated in the Asian Pacific Mathematics Olympiad this morning at the Ateneo (CTC 102). I was accompanied by Mrs. Blanco and Sir Ramos in the said competition. We got to the Ateneo at around 8 in the morning and because registration starts at 8:30, no one was around the venue. Because of this, we ate our breakfast at the cafeteria. You can imagine how um.. embarrassed? shy? I was because I was wearing my school uniform and I noticed how a number of college students were looking at us. Hehehe. At a little past 8:30, we went back to CTC 102 and found Mr. Winfer (?) Tabares. So I/we registered... *I'm examinee 1.* Hehehe. After I registered the students from other schools came. Grabe ang daming Intsik! *Hello?* Hmm.. At around 9 am, our proctor gave out our test and when I read the first question, I was like WHAT?!?!?? It was really, really, really (100X) difficult that I wasn't able to solve at least one problem. Gawd. Five questions in four hours... *whew*
Nakabili na ako ng ball gown!!! Yipee! :p Hehehe. *Excited!!*
Thursday, March 11, 2004
Thursdays are blog-days.. :p::
Don't you notice that I blog during Thursdays? Hehehe.. It's like Thursdays with blogger. Ha! Corny! :p Anyway, classes were officially over last Friday (March 5).. YEY! :p And we, the seniors are going to have our graduation on the 21st. *clap clap clap* WHOOPEE! :) I can't wait! Haaay.. High school's about to end.... I feel quite sad and happy, nervous and excited.... Ya know? Hehehe. One thing's for sure though.. I really am going to miss my 12-year stay in Miriam College. *tear*
**Ben, Mellow, Lesley, and I went to meet Camille (from Days) last Saturday at Greenhills. We sort of had an orientation about Days and the four of us are extremely excited about the experiencing such experience. Labo? :p Hehehe. Better start polishing my coin! :) ***My dad and I went to the Ateneo last Sunday for the Open House/Orientation thingy of the John Gokongwei School of Management. My dad was quite impressed and he certainly wanted me to go to the Ateneo... Hehehehe :p I didn't feel quite the same. But I did enjoy the demo classes (Accounting and Organizational Behavior)... I actually learned stuff such as Assets = Liabilities + Equity Hehehe.. :p And I learned something about power. Very interesting. :p Although I liked the demo classes, I still am not convinced. I still want to go to the State University... Hehehe :p ****I watched American Idol a few hours ago. There was this girl named Latoya L. who sang All by Myself... ANG GALING GALING! :p Heehee :) I think I'm getting 'attached' to Star Circle Quest. HAHA! Jologs. :p
Thursday, March 04, 2004
Heehee. :p ::
It's Thursday again.. and I'm blogging. Weird noh? :p
Filled with passion eh? Hehehe :p
|