About me ♥
Archives ♥
Links ♥
Tagboard ♥
The Layout ♥
Credits ♥
|
Friday, March 19, 2004
Um..::
Biyernes ngayon. Isang araw na lang at magsisipagtapos na kami ng aking mga kamag-aral. Haaay.. :) Pero bago kami grumaduate ay ikukuwento ko muna yaong mga nangyari sa akin noong nakaraang mga araw.
Miyerkules ika 17 ng Marso
Ang mga mag-aaral ng ikaapat na taon ay nagtungo sa Malacañang Palace at Enchanted Kingdom para sa aming field trip. Sa Malacañang ay natagpuan namin ang marangyang tirahan ng Pangulo. Ang daming malalaking mga bulwagan at maningning na aranya (Di ko sigurado ko yan nga yung katumbas ng chandelier sa Filipino)... Ang dami rin palang mga malikhaing larawan. :) Basta maganda yung Malacañang. Ngunit nagpag-isip-isip ko rin pagkatapos kung paano namumuhay nang ganito ang ating Presidente habang ang Pilipinas ay lubusang naghihirap?...
Pagkatapos ng aming pagbisita sa Malacañang ay pumunta kami sa Enchanted Kingdom sa Laguna. Mataas ang araw nung dumating kami kaya naman sobrang init... Pagpasok (?) namin sa EK ay sumakay kami sa iba't ibang rides. Hehehe :) Ang nakakatuwa pa ay sumama sa amin si Sir Belardo nung sumakay kami sa Rollerskater, Space Shuttle (di ako sumama dito), at iba pa. Hehehe. Aliw :) Pagkatapos ng aming pagliliwaliw sa EK ay talaga namang basang-basa ako. Apat na beses kasing sumakay sa Rio Grande. Grabe.. Bakit yung ibang tao di nababasa? Kainis... Sa kabuuan ay nasiyahan naman ako sa aming field trip. :) Ito marahil ang pinakamasaya at pinakagusto kong field trip sa aking apat na taon sa mataas na paaralan.
Huwebes ika 18 ng Marso Ang aga ng pasok namin. Haay.. Malamang alam niyo na kung ano yung ginawa namin.. Nag-ensayo kami para sa aming pagtatapos sa Linggo. Nakakatamad na at nakakapagod. *buntong-hininga* Buti na lang nung hapon ay nanood kami ng isang pelikula(?) tungkol sa mag-asawang Pen at Eddie at ang kanilang pakikipagsapalaran sa buhay. Talaga namang nakakaantig ng puso ang kanilang kwento. Biruin mo nakatira sa tabi ng riles ng tren at kailanganin nilang buhayin ang kanilang limang anak (ang tatlo'y kanilang inampon). Si Mang Eddie ay nagtitinda lamang ng balot at si Aling Pen nama'y nagtatrabaho bilang labandera. Kumikita sila nang kakaunting halaga na kung tutuusin ay kulang na kulang para matustusan ang kanilang pangangailang sa araw-araw. Naisip ko tuloy kung paano tayong mas pinalad ay lumulustay ng pera ng ating mga magulang. Iisipin mo rin kung gaano ka walang hiya ang ating mga lider na patuloy na nagnanakaw sa sambayanang Pilipino habang ang ating mga kababayan ay nanalig at naniniwala sa kanila. Haaay... Sana ay magsilbing inspirasyon at hamon ang palabas na iyon sa aming magsisipagtapos na tumulong baguhin ang sistemang bulok ng ating bansa. Biyernes ika 19 ng Marso Ngayon toh. Haha! Nag-ensayo ako ng pagtugtog ng piyano kanina. Ang pangit ng tugtog ko. Nakakainis. Dapat pang mag practice sa bahay! :) At nag bond (medyo) din pala kami ng kapatid kong si Ming (Teddy..) Nakita ko pala yung mga nagsipagtapos na mga mag-aaral ng elementarya. Meron silang damit na pang graduation na di gala. Daya. Di sila masyadong nainitan. Hehehehe. Babaw :)
|