About me ♥
Archives ♥
Links ♥
Tagboard ♥
The Layout ♥
Credits ♥
|
Monday, May 31, 2004
My UP experience::
Ha! Pumunta kong UP kaninang hapon kasi sinamahan ko si Ming ipasa yung UPCAT application niya. *Kasama din namin si Jolina.* Basta yun.. Pumunta muna kaming tatlo sa PNB kasi kailangan pang magbayad ng 350 pesos. Pagdating namin dun parang ewan si Ming kasi nagpapasama sa akin kung saan saan. Hehehe :) Paranoid! Pagkatapos naming magbayad naisipan kong maglakad na lang kami papuntang admissions office para makatipid ng barya. HAHA! Makalipas ang sampung minuto nakarating na rin kami sa dapat naming puntahan. *Medyo malayo kasi...* Pagdating namin dun tinanong ko sa guard kung saan magpapasa ng UPCAT application. Sabi niya di pa daw sila tumatanggap ngayon at tumawag kami sa susunod para alam namin kung kailan magpapasa. Hay grabe! Kapagod pero ok lang kasi exercise din yun. Kailangan namin ng exercise kasi nakahilata lang kami magdamag sa bahay.. :) Pumunta kaming Katipunan pagkatapos nun kasi nagugutom na ko at may bibilhin si Jolina. Kita ko sina Den at Monique sa National. *Hi! :)* La lang... Kumain muna kami sa McDo at umuwi pagkatapos. Ang hirap sumakay ng taxi pauwi..... Haaay... Ang natutunan ko sa aming 'paglalakbay' ngayon ay wag maging overexcited sa pagpasa ng UPCAT application. May tatlong linggo pa! HAHA! :)
Anim na araw na lang at pasukan na! ACK! :)
|