About me ♥

Andoi. Mga Ibong Mandaragit (nerd...), duckies, yellow, sleeping, babies, spontaneity, choco flakes, clouds, Sex and the City, chicken, chocomallows, chocopie, the SG, The Apprentice, sleepy music, toddlers, cookies, brisk walking, my family, smiling, UP, Christian Bautista, CSI, The Practice, singing, American Idol, confessions of Georgia Nicholson, ochouno, snogging (hahahaha!), bumming around, being a Filipino (Yes naman!).....

YM:
aerdna_12
email: aerdna_12@yahoo.com

Archives ♥

  08/03. 09/03. 10/03. 11/03. 12/03. 01/04. 02/04. 03/04. 04/04. 05/04. 06/04. 07/04. 08/04. 09/04. 10/04. 11/04. 12/04. 01/05. 02/05. 03/05. 04/05. 05/05. 06/05. 07/05. 08/05. 09/05. 10/05. 11/05. 12/05. 01/06. 02/06. 03/06. 04/06. 05/06. 06/06. 07/06. 09/06. 10/06. 11/06. 12/06. 04/07. 06/07.

Links ♥

Miox. Jollibee. Ck. Mellow. Lesley. Tania. Patrod Tanya. Aika. Kriselda. Migs. Sir BongB. April. Bernice. Loreen. Dominique. Maricris. Keavy. ochouno. Vigile. Ginger.

Tagboard ♥


The Layout ♥

This layout features the main characters from the film Little Manhattan 'Tis about first love and stuff. Go figure. :D

Credits ♥

Layout by camilllle
Made with MS Notepad, and Adobe Photoshop CS2
Powered by Blogger

© 2006 Nerdox Designs

Tuesday, June 08, 2004

Iska nga! ::
posted by Andoi @ 8:23 PM

Haay.. Sa wakas ay tapos na ang pinakahihintay? pinakanakakatakot? na first day bilang 'freshie' sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa katunayan, hindi naman pala masyadong nakakatakot... Talaga death lang sa kaba... Basta eto ang maikling (hmm.. mukhang magiging mahaba ata) pagsasalaysay sa mga nangyari sa aking nung Lunes.
Paalala: Maaaring di sakto yung oras na aking mga babanggitin.

6:45 am
... nang dumating ako sa may CAL (kasama ng pinsan ko) para sa una kong klase (Comm 3). Medyo nag usap usap pa kami ng pinsan ko at nung mga alas - 7 na ay umakyat na ako (sa third floor kasi yung classroom ko). Pagdating ko sa aking silid - aralan (actually, sa tapat lang pala) may mga kaklase na rin akong naghihintay. Pumasok kami siguro nang mga 7:15 ng umaga at naghintay para sa aming guro. Hindi siya dumating at hanggang alas - otso ako naghintay.

8:15 am
... ko pinuntahan si Ben sa Palma Hall (AS, pareho lang yun). Pagkatapos magkita ay nagtungo kami sa Admissions para ipasa ang UPCAT application ni Ming at sa CASAA upang kumain at magkwentuhan ukol sa aming mga klase, pagka - loner/loser.. Hehehe.

9:30 am
... nang maalala ko na kukunin pala ang aming mga ID sa pasukan. Dahil dito, nagmadali kaming naglakad papuntang OUR sapagkat may klase pa kaming dalawa ng alas - diyes. Pagkakuha ng aming mga ID ay mabilis kaming nagtungo sa Math Building kasi dun yung klase ni Ben at kailangan kong sumakay ng toki para makapunta sa susunod kong destinasyon.

10:10 am
... ata nung dumating ako sa Albert Hall para sa aking MBB 10. Madami na ngang tao nung dumating ako kasi medyo late na. Hehehe. Kagaya ng una kong klase, wala na naman kaming guro at naghintay kaming lahat nang isang oras...

11:05 am
... ay nagkita ulit kami ni Ben sa AS (Naks!). Hehehe. Kasama pala niya si Tanya at si Dani. Pagkalipas ng kaunting kwentuhan ay inikot? namin ni Ben ang Palma Hall. Nahanap din namin yung kanyang silid - aralan PH 112. Noong mga 11:25 am na ay pumasok na si Ben para sa kanyang Span 10. Nung tinanong niya kung Span 10 nga yung klase niyang napasukan, ang sagot sa kanya'y Eng 10 o 11. SO.. Mali pala ang classroom! Hehehe. Kaya ang ginawa namin (kasami si Reg) ay hanapin ang kwarto ni Ben. May nakapaskil na puting papel sa labas ng isang classroom at nakalagay na ang Span 10 ay sa 411. Pagkakita nun ay umakyat kami sa 4th floor nang madalian kasi nga mahuhuli na si Ben. Nagpaikot - ikot na ata kami sa buong fourth floor, bumaba nang dalawang beses, umakyat ulit, at madalas na nagtanong pero di pa rin namin nakita yung klase ni Ben. Buti na lang tumawag yung ate ni Theo para sabihing sa CAL pala yun. Ano?! Sa CAL lang pala... Haaaay...

12:30 pm
... nang dumating kami sa CAL 411. Nagsimula na pala yung klase (malamang) kanina pa. Ang tagal kasi naming maghanap... Hehehe :) Iniwan namin ni Reg si Ben dahil pupunta na kami sa University Theater para sa Freshman Welcome Assembly.

1:05 pm
... ay naabot na namin ni Reg ang University Theater pagkatapos ng dalawang ikot ng toki at paglalakad sa ilalim ng ulan. Pumasok kami sa loob nang basa ang aming mga saplot? (Hehehe) at umupo sa may kanang bahagi ng teatro. Hindi ko na ikukuwento lahat nang nangyari nung welcome assembly. Basta tunay na nakakabilib ang mga iskolar ng bayan at talagang proud akong mapabilang sa komunidad ng UP. Hehehe :) Sobrang lamig nga pala sa loob.

4:30 pm
... ay unti - unti kaming pinalabas ng teatro at pinapila ayon sa aming mga kurso. Nahiwalay na naman kami ng aking mga kaklase at yun nga pumunta ko sa mga kapwa ko ka - MBB. Labo. :)

4:55 pm
... Pinagsimula na kaming maglakad ng aming mga block handlers (na siya nga pala'y ang organisasyong SuMS UP). Hehehe. Pupunta daw kaming Math Building galing University Theater. Mukhang malayo noh? Malayo nga siya talaga!

5:25 pm
... SA WAKAS! Naabot na namin ang Math Buidling. Isa isa naming pinakilala ang aming mga sarili (Ang dami kong matalinong ka block. Joke lang yun. Lahat sila matatalino! Lahat ng MBB matalino. HAHA. Kapal :p) at bumoto kung sino ang aming magiging block head. Nanalo si Jef. Hehehe :) La lang. Pagkatapos nun ay nagkaroon ng isang mini open forum at nagkwento ang isa sa aming mga block handlers na si Hender. Nakakatuwa siya :) Naglaro pa kami ng human bingo pero medyo nakakatamad na kasi gabi na nun.. :) At gutom na ko. Hehehe. Buti na lang binigyan nila kami ng tsokolate. HAHA! :p

7:00 pm
... Sinundo na ko ni Kuya Lem sa MB at umuwi na kami. Hehehe. :) Pagod na pagod na ko......

Mukhang napahaba yung aking kwento. Hehehe :) Kahit na medyo loner/loser, mahirap, at pagod na pagod ako, ayos lang. Kakayanin. At dapat nga talagang kayanin.

Kanina pala ay gumising ako nang 5 am, pumasok sa aking 7 am na klase (pero walang guro pati sa lab), pumuntang Katipunan, naglakad lakad na naman, at may nakilalang semi - friends. Hehe :) May nakilala (sort of) na rin akong prof (sa Math 17) pero di niya sinabi pangalan niya. Nagsimula na nga kaming mag - aral eh. Hehehe. Medyo Sirius Black ang dating niya. :) Heehee. Pasok na naman ako bukas (orientation kasi sa CS at MBB). Panibagong araw, panibagong pagsubok at kakayanin. :)

@