About me ♥

Andoi. Mga Ibong Mandaragit (nerd...), duckies, yellow, sleeping, babies, spontaneity, choco flakes, clouds, Sex and the City, chicken, chocomallows, chocopie, the SG, The Apprentice, sleepy music, toddlers, cookies, brisk walking, my family, smiling, UP, Christian Bautista, CSI, The Practice, singing, American Idol, confessions of Georgia Nicholson, ochouno, snogging (hahahaha!), bumming around, being a Filipino (Yes naman!).....

YM:
aerdna_12
email: aerdna_12@yahoo.com

Archives ♥

  08/03. 09/03. 10/03. 11/03. 12/03. 01/04. 02/04. 03/04. 04/04. 05/04. 06/04. 07/04. 08/04. 09/04. 10/04. 11/04. 12/04. 01/05. 02/05. 03/05. 04/05. 05/05. 06/05. 07/05. 08/05. 09/05. 10/05. 11/05. 12/05. 01/06. 02/06. 03/06. 04/06. 05/06. 06/06. 07/06. 09/06. 10/06. 11/06. 12/06. 04/07. 06/07.

Links ♥

Miox. Jollibee. Ck. Mellow. Lesley. Tania. Patrod Tanya. Aika. Kriselda. Migs. Sir BongB. April. Bernice. Loreen. Dominique. Maricris. Keavy. ochouno. Vigile. Ginger.

Tagboard ♥


The Layout ♥

This layout features the main characters from the film Little Manhattan 'Tis about first love and stuff. Go figure. :D

Credits ♥

Layout by camilllle
Made with MS Notepad, and Adobe Photoshop CS2
Powered by Blogger

© 2006 Nerdox Designs

Wednesday, August 11, 2004

Nothing SOFT about Softball::
posted by Andoi @ 7:18 PM

Tinamaan ako sa likod ng softball kanina. At di nga siya soft. Sa katunayan, napaiyak pa ko sa sakit. PANO BA NAMAN di ata tumitingin yung nagbabato o yung sumasalo ng bola kanina... Akala ko parang tennis ball lang yung ginagamit nila para sa kanilang 'catch and throw'. Yun pala isang mas malaki at mas matigas na bagay. Kaya pag tumama ito sa'yo sa isang mataas na belosidad? (Basta velocity) ay talagang masakit... (Kasi nga F=ma .. Hehehe :p)

Kaya pala medyo ako matagal na nawala ay dahil sa nagkasakit ako nung Biyernes. Nilagnat ako at di nakapagtest sa chem. Kainis. Wala pa namang make up. Grrrr.... Babala lang sa iba diyan. Mag ingat kasi uso ang trangkaso ngayon! Uminom ng maraming tubig at ng vitamins! :) Hehehe. Mahirap magkasakit eh.. La lang.

Hmm... Medyo huli na to pero nung Sabado at Linggo ay ginanap ang UPCAT. (Nag UPCAT yung si Ming nung Linggo..) Nung nag UPCAT ako nung isang taon, sobrang ewan.. Kaba? Hehehe. Ang aga ko ngang natulog eh... Actually, humiga kasi di ako nakatulog kaagad sa kaba. At maaga rin akong dumating sa Alonzo Hall (CHE) at pumila nang matagal. Yung kaharap ko nga sa pila, kinausap pa ng mga magulang ko eh. Hehe. Kakatuwa. :D Pagpasok namin, siyempre pinaupo kami, medyo ipinaliwanag yung mga 'mechanics', at nagumpisa na kaming sumagot. Haha. Ang haba, grabe! :) Di na nga ko nakakain eh. Mentos lang ata yung nasubo ko. :) Pero ok lang kasi natapos rin siya eventually. :D Haaay... Pag uwi ko nga, natulog ako at napanaginipan ko pa yung mga sagot ko sa UPCAT. Ano ba yun??! :) Tulad ng ginawa ni Kri, meron din akong UPCAT Do's and Don'ts sort of... Hmm... Medyo pareho lang din pero iba siyempre kasi akong magsasabi. Ha! Labo! :)

1. Mag aral paunti unti bago ng UPCAT. Wag sana yung sa gabi bago ng UPCAT pero kanya kanya naman yan eh. :)
2. Matulog nang maaga. Magpahinga. Magrelax bago ng pagsusulit. :)
3. Kumain nang marami bago pumuntang UP. Kundi marami, basta kumain. Haaay.. Mahaba ang test at baka maubusan ng powers. HAHA!
4. Magdasal. Meron akong dasal bago mag test eh... Dasal siya kay St. Cupertino... Ayon kasi sa guro ko sa piyano, si St. Cupertino daw medyo 'mahina' tas ilang beses na siyang pinagtest sa seminarya at di siya pumapasa. Binigyan siya ng huling pagkakataon, at nung panahong tinanong na siya, yung tanong ay yung alam niya ang sagot. Dahil dun, nanatili pa rin sya sa seminarya. Basta parang ganun. :p
5. Um... Pace yourself. (Di ko alam yung katumbas niyan sa wikang Filipino!) Basta wag masyadong mabagal. Mga 300 na tanong yun kasi...
6. Mag ingat sa pagitim ng mga bilog sa answer sheet! Baka kasi may mga malaktawan kayong tanong.... In short, don't be careless.
7. Magdala ng maraming lapis at pambura. Hehehe. Nakapito ata ako nung isang taon eh :)
8. Magdala rin ng pwedeng kainin habang sumasagot ng UPCAT. Pwedeng cookies, chocolate, candy... Basta madiling kainin at walang amoy. :)
9. Magdala ng jacket. Malamig kasi dun sa pinagtestan ko eh!
10. Magsuot ng swerteng damit. Kahit feeling swerte mo lang :) Ako kasi, sa lahat ng mga araw na kumuha ako ng college entrance test, pare-pareho yung pantalon, sapatos, at jacket ko. Nakapasa naman kaya swerte rin :)

Yun lang yung naiisip ko ngayon.. Hmm.. Pwede rin siguro sagutan mo lahat ng tanong. Haha. :) Ginawa ko yun eh kahit yung iba parang walang sagot. Kahit ano pang mga paalala o payong ibigay ko o ng ibang tao, ang mahalaga ay yung ginawa mo lahat ng makakaya mo. Hmm... What matters is that you gave it your 100%. At pag di ka nakapasa sa paaralang gusto mo, baka ibig sabihin may mas maganda at mas malaking plano ang Diyos para sa'yo. :)

Kamakailan ay nakaramdam ko ng ibang klaseng kalungkutan. HA! Ang drama... Grabe :) Di ko nga rin alam kung bakit eh. Pakiramdam ko kasi ang 'lonely' ko, na kailangan ko ng 'someone'... Ewan. Dahil sa kakaibang emosyon na ito (at sa sobrang frustration sa di ko masagot na problem sa math), naiyak ako kagabi. Ang babaw pero ganun talaga! Mababaw ako. Gusto ko ngang mayakap kagabi eh. Ang lamig kasi... :D Hehe. Ewan. Basta my loneliness is killing me now(Diba Ben?) Haaay... It's a good thing some nice people come to your aid when you're feeling all alone. Salamat :p Thanks for telling me that it's just a phase and that eventually, I'll find someone.. Kung sino man yun :) Thank you for bearing with me despite my shallowness, moodiness? and my being emotional. Hehehe. Di ko nga alam kung bakit ko kinukwento sa'yo yun eh. Di ka naman nagkukwento sa akin. Pero ayos lang.. Alam kong ganun ka lang talaga. :) Basta salamat. :) Hehehe. :P Dapat alam mong ikaw toh ah. Haha :)

Anyhow, mag aaral na naman ako. Grabe na toh.. Math midterms na sa Sabado... Haaaaaay..... :)

@