About me ♥
Archives ♥
Links ♥
Tagboard ♥
The Layout ♥
Credits ♥
|
Sunday, June 12, 2005
First Week Funk?::
Yep. First week of school is over.
First week pa lang napagod na ko. Ha. Wala naman kaming masyadong ginawa. PERO na overwhelm ako, as in OVERWHELM sa mga gagawin at aaraling namin ngayong sem. Pagkabigay pa lang ng syllabus, tumigil na puso ko. Hehe. Deadly. :) Ngayon pa nga lang alam na namin kung tungkol saan at kung kailan yung mga exam namin. Date to Remember: October 1, Saturday - Bio 12 Lab and Lec, Physics 71 exams. Sheesh. Tas may CWTS pa. Erk. Magtuturo kami ng mga mag aaral sa mga pampublikong paaralan. Wala pa kaming mga partikular na plano pero alam kong magiging matrabaho toh. Heh. Simula pa lang kinakabahan na ko. Nung isang taon din, ganito. Kabado. Nalulungkot pa nga ko kasi mahirap mag isa. Ngayon, di na ko mag isa. Hehe. :) May mga karamay na ko. Actually, dati naman karamay ko yung blockmates ko kasi pareho kami ng mga kinukuhang asignatura kaso ngayon may kasabay na ko. Di na ko dakilang loner. :) Kasama ko nga sila pero di ko na makikita at nakikita yung mga kaklase ko nung high school. Umiikot yung buhay namin sa mga Science Pavs at Math Building at di na ko nakakadayo sa AS lobby. Bihira na rin kami makakapagkita ni Ben kasi nga wala kaming sabay na break. Haaaay...... At feeling ko di na ko dadayo madalas sa CASAA. NISMED is the place to be. Haha. :) Ewan ko. Di ko alam kung anong aasahan. Basta alam ko mahirap tong sem at kailangang pagtrabahuhan nang maigi. *buntong hininga* Kakailanganin ko rin ng madaming dasal. Hehe. :) Watched Mr. and Mrs. Smith last Saturday. :) Hotness. Hahaha. I want to be Mrs. Smith. HAHAHAHAHAHA. :D Galit sa kin si Ming ngayon. Nagpagupit pala ko! :)
Bago magpagupit :)
Pagkatapos magpagupit :)
|