About me ♥
Archives ♥
Links ♥
Tagboard ♥
The Layout ♥
Credits ♥
|
Sunday, November 20, 2005
Addressed to you::
Akin ka na lang.
Iingatan ko ang puso mo. Akin ka na lang At wala ng hihigit pa sa'yo. - Itchyworms, The Noontime Show Pwede ba? Pwede bang akin ka na lang? Kasi gusto talaga kita. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit gusto kita pero gusto kita. Yung nakakabaliw na gusto. Batiin mo lang ako ng isang Hi o ngitian man lang gumuguho na ang mundo. Hindi ko nga alam kung anong isasagot mo sa mga matatamis mong pagbati. Para bang natutulala ako at nawawala sa sarili, bumibilis ang pagtibok ng puso ko at ang aking paghinga. Bakit kaya ganun ang epekto mo sa akin eh hindi naman kita talaga kilala? Bakit ako natotorpe? Argh. Nakakainis. Ayokong magkaganito. Di pwede kasi alam kong malabong maging tayo at malulungkot lang ako. Pakiramdam ko kasi may gusto ka ng iba eh at may iba ng nagmamay ari ng puso mo. Sana ako na lang yun. Sana talaga ako na lang yun. Ang jologs ko. Ha. Pasensya kayo. Blog ko toh eh. :) Bear with me. I am seriously crushing on a certain someone. :) And we won this morning! Ha. We beat the IB soccer team by default. That means I didn't get to play - again. Drat. :)
|