About me ♥
Archives ♥
Links ♥
Tagboard ♥
The Layout ♥
Credits ♥
Wednesday, February 15, 2006
It's in his kiss. That's where it is. :)::
Wah. I feel the fat and the inches. Ang daming temptations. Must control oneself....... WAAAAAAAAAH. Must run. Must lose weight...
**Belated Happy Valentine's to y'all! Haha. :)*
Sunday, February 12, 2006
Loveless::
Only 2 days until Valentine's. Still no date. Still no churva. Haha. Looks like I'm going to spend it alone or with my loveless friends. HAHA. :)
Hindi naman sa gusto kong magkaroon ng the one for the sake of having the one. Pero minsan minsan hindi ba kayo nakakaramdam ng kahit na katiting na longing for the one? Hindi dahil sa naiinggit ka sa iba pero kasi gusto mong magkaroon ng pagkakataon na ibahagi yung sarili mo sa isang kakaibang paraan. At gusto mong may magbahagi rin sa'yo ng kanilang sarili sa natatanging paraan. Ha. Basta. :) Nakakadagdag pa sa feeling na yun yung maraming taong may churva at walang space para sa mga churva-less na katulad ko. Haha.... Di naman ako nagrereklamo. Bitter moments lang toh... Pero sana meron. Kahit sobrang inkling lang ng the one-ness... Masaya na ko dun. :) Hmm... Pero habang wala pang the one, maghihintay ako. Mag eenjoy. Masaya naman kahit wala kasi alam kong ok ako at may problema ang mga lalakeng ayaw akong gustuhin. HAHA. :) At higit sa lahat, may ok akong mga kaibigan. Sweet bitterness. :)
If you've never wished on made up stars or secretly delighted at the way a name feels on your lips when you say it; if you've never known the true value of a smile and how long it makes your heart skip a beat, then you've never been in love. :) Hay. Ganun ba yun? Kung alam lang niya kung anong pakiramdam ko pag nginingitian niya ako o kung ano yung kilig na bumabalot sa kin nung binanggit niya yung pangalan ko... At kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko pag binibigyan niya ko ng pansin. HAAAAAAAAAAAAAAY. I totally crush you. :)
Narda by Kamikazee Tila ibon kung lumipad, sumabay sa hangin ako'y napatingin sa dalagang nababalot ng hiwaga. Mapapansin kaya sa dami ng yong ginagawa? Kung kaagaw ko ang lahat may pag asa bang makilala ka?// Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan/, Pag ibig na palaisipan sa kanta na lang idaraan/ Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip/ Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang Darna// Ang swerte nga nman ni ding, lagi ka nyang kapiling. Kung ako sa kanya niligawan na kita. Mapapansin kaya sa dame ng yong ginagawa? Kung kaagaw ko ang lahat may pag asa bang makilala ka?// Awit na nananawagan,baka sakaling napakikinggan,/ Pag ibig na palaisipan sa kanta na lang idadaan/ Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip/ Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang Darna// Tumalon kaya ako sa bangin,para lang iyong sagipin. Ito ang tanging paraan para mayakap ka. Darating kaya sa dame ng ginagawa? Kung kaagaw ko sila paano na kaya?// Kung alam mo lang. :)
Friday, February 10, 2006
Will get some tonight.*winks*::
Sleep, that is. :) Kala niyo ano? HAHA.
Finally, this week is over. Friday na. Panahon na para magpahinga. SA WAKAS. Ilang araw din akong sunod sunod na puyat. Anim na gabi atang inabot ako ng umaga. WAAAAAAAAH. Buti na lang medyo magaan yung trabaho next week. NO LAB REPORTS. :) Ngayon lang ako magbibigay opinyon tungkol sa mga nangyari nung isang linggo. Malamang napalitaan nang marami yung nangyari sa Ultra - ang unang anibersaryo ng palabas na Wowowee at ang stampede na nagdulot ng matinding lungkot at trahedya sa maraming Pilipino. Naniniwala ako na hindi dapat sisihin ang ABS-CBN tungkol sa trahedyang naganap. Maraming mga bagay ang nagbigay daan sa stampede na ito. Una, ang buhay sa Pilipinas ay mahirap. Masyado matataas ang presyo ng bilihin at di ito kayang bilhin ng karaniwang Pinoy. Laganap ang korupsyon at panloloko sa pamahalaan. Mababa ang living standards. Mahirap maghanap ng trabaho. Hindi lahat ng Pilipino ay nabibigyan ng pagkakataon upang mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay... *Marami pa pero di ko na masabi o maisip lahat.* Lahat ng mga ito ang nagbuhat ng trahedya. Wala na kasing pag-asa ang mga Pilipino kaya naman pag nagkaron ng oportunidad upang mabago ang kanilang estado sa buhay kahit sa katiting na paraan lamang ay kukunin nila ito. Di ko naman sinasabi na tama na lang umasa sa bigay ng malalakihang kompanya tulad ng ABS-CBS pero masisisi mo ba yung mga nagpunta sa Ultra? Hindi... May magagawa pa ba sila. Ang pagkakaiba natin kaysa sa kanila ay marami tayong mga alternatibo at pagpipilian. Nakakapag aral tayo. Nakakapagtrabaho at iba pa... Ang malaking pagkukulang ng ABS ay ang seguridad. Dapat nagkaroon ng alternatibong plano. Dapat napaghandaan nila kung anumang pagkakataong maaaring maganap. Hay... Basta... Sana di nangyari yung nangyari na pero wala na tayong magagawa. Di na dapat kinailangang isakripisyo ang 74 na buhay upang mapagtanto natin na kailangan nating mapagtanto na nararapat na tayo'y magtulungan upang maibsan ang kahirapan sa Pinas. *** You know everything I’m afraid of. You do everything I wish I did. Everybody wants you; everybody loves you. I know I should tell you how I feel. And I wish everytime you call me,I’m too scared to me. And I’m too shy to say.// Ooh,i got a crush on you. I hope you feel the way I do. I get a rush when I’m with you. Ooh,I’ve go a crush on you.// You know I’m the one you can talk to. And sometimes you tell me things that I don’t want to know. I just want to hold you. And you say exactly how you feel about her. And I wonder,could you ever think of me that way. Ooh.i wish I could tell somebody. But there's no one to talk to.// Nobody knows I’ve got a crush on you. A crush on you,i ve got a crush on you, You say everything that no one says. But I feel everything you’re afraid to feel. I will always want you,i will always love you.//Had a haircut today. It was a spontaneous, impulsive move. HAHA. I wish I didn't but I did. Nakatabi ko si Yael Yuzon habang nagapapagupit. Ha. :)
With my sisters. :)
Di nakangiti. Di halatang nagpagupit, pero OO. :) Valentine's is FOUR days away. STILL NO DATE. :) Help me find one. HAHA. **Brokeback mountain opens on the 15th. Nood tayo. :D**
Thursday, February 09, 2006
The Lack of Sleep::
Kills. It kills, friends. I've been sleeping less and less lately. Two hours a day. Kamusta naman. Haha. AYOKO NA.
And LAB REP HELL is over. I've been in that state for a week and I'm sooooooooooooooooo relieved that it's over. Making lab reports suck big time. ACK. Mag celebrate tayo! Haha. INOM. Please? :) JOKE. Going to Bataan on Saturday. Field trip. Huli ko ng field trip ay sa Baguio nung fourth year. Excited na ko kaso namimiss ko si Ben. WAAAAAAAH. Di na kami nagkikita. Hayyyyyyyyyyyyyyyy. Shucks. Ang bangag ko. Ang sakit ng batok. Ang sakit ng mata. Ang sakit ng likod. Good night, friends. Tulog na ko. :D **HELLO SA AKING LAB PARTNER. Matulog ka na rin. Malelate ka sa 110. :p**
Saturday, February 04, 2006
Signal number 3::
Yes friends. Hell week #3 is over and done with.
Hell week #3 = DNA extraction Formal Report + CWTS + MBB 110 2nd Exam + Geog 1 Midterms + Chem 40 metabolism Quiz + Physics 71.1 worksheet on Projectile Motion + Chem 40 Second Long Exam *sheesh* Hell week #4 = Lab rep hell. Ha. Five lab reports in two days + One lab rep on Thursday + CWTS work :) Pray for me, friends. Please lang. Hay. Everything's so darn easy. HAHA. ASA PA. To end on a good note... I finally got my Starbucks' planner. :) Yey! Kelan kaya ko makakanood ng sine?!?!!!!!!
|