About me ♥
Archives ♥
Links ♥
Tagboard ♥
The Layout ♥
Credits ♥
|
Friday, February 10, 2006
Will get some tonight.*winks*::
Sleep, that is. :) Kala niyo ano? HAHA.
Finally, this week is over. Friday na. Panahon na para magpahinga. SA WAKAS. Ilang araw din akong sunod sunod na puyat. Anim na gabi atang inabot ako ng umaga. WAAAAAAAAH. Buti na lang medyo magaan yung trabaho next week. NO LAB REPORTS. :) Ngayon lang ako magbibigay opinyon tungkol sa mga nangyari nung isang linggo. Malamang napalitaan nang marami yung nangyari sa Ultra - ang unang anibersaryo ng palabas na Wowowee at ang stampede na nagdulot ng matinding lungkot at trahedya sa maraming Pilipino. Naniniwala ako na hindi dapat sisihin ang ABS-CBN tungkol sa trahedyang naganap. Maraming mga bagay ang nagbigay daan sa stampede na ito. Una, ang buhay sa Pilipinas ay mahirap. Masyado matataas ang presyo ng bilihin at di ito kayang bilhin ng karaniwang Pinoy. Laganap ang korupsyon at panloloko sa pamahalaan. Mababa ang living standards. Mahirap maghanap ng trabaho. Hindi lahat ng Pilipino ay nabibigyan ng pagkakataon upang mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay... *Marami pa pero di ko na masabi o maisip lahat.* Lahat ng mga ito ang nagbuhat ng trahedya. Wala na kasing pag-asa ang mga Pilipino kaya naman pag nagkaron ng oportunidad upang mabago ang kanilang estado sa buhay kahit sa katiting na paraan lamang ay kukunin nila ito. Di ko naman sinasabi na tama na lang umasa sa bigay ng malalakihang kompanya tulad ng ABS-CBS pero masisisi mo ba yung mga nagpunta sa Ultra? Hindi... May magagawa pa ba sila. Ang pagkakaiba natin kaysa sa kanila ay marami tayong mga alternatibo at pagpipilian. Nakakapag aral tayo. Nakakapagtrabaho at iba pa... Ang malaking pagkukulang ng ABS ay ang seguridad. Dapat nagkaroon ng alternatibong plano. Dapat napaghandaan nila kung anumang pagkakataong maaaring maganap. Hay... Basta... Sana di nangyari yung nangyari na pero wala na tayong magagawa. Di na dapat kinailangang isakripisyo ang 74 na buhay upang mapagtanto natin na kailangan nating mapagtanto na nararapat na tayo'y magtulungan upang maibsan ang kahirapan sa Pinas. *** You know everything I’m afraid of. You do everything I wish I did. Everybody wants you; everybody loves you. I know I should tell you how I feel. And I wish everytime you call me,I’m too scared to me. And I’m too shy to say.// Ooh,i got a crush on you. I hope you feel the way I do. I get a rush when I’m with you. Ooh,I’ve go a crush on you.// You know I’m the one you can talk to. And sometimes you tell me things that I don’t want to know. I just want to hold you. And you say exactly how you feel about her. And I wonder,could you ever think of me that way. Ooh.i wish I could tell somebody. But there's no one to talk to.// Nobody knows I’ve got a crush on you. A crush on you,i ve got a crush on you, You say everything that no one says. But I feel everything you’re afraid to feel. I will always want you,i will always love you.//Had a haircut today. It was a spontaneous, impulsive move. HAHA. I wish I didn't but I did. Nakatabi ko si Yael Yuzon habang nagapapagupit. Ha. :)
With my sisters. :)
Di nakangiti. Di halatang nagpagupit, pero OO. :) Valentine's is FOUR days away. STILL NO DATE. :) Help me find one. HAHA. **Brokeback mountain opens on the 15th. Nood tayo. :D**
|